BAGO pa man sumikat itong si Manila Mayor Isko Moreno dahil sa kampanya para alisin ang mga obstruction sa mga lansangan ng Maynila lalo na ang mga illegal vendor sa Divisoria at Recto, mayroon nang isang Col. Edison “Bong” Nebrija, na Commander ng Metro Manila Development Authority Task Force Special Operations, na ganito rin ang porma.
Na-interview ko sa aking radio program sa DWIZ ang taong nagpamalas ng tapang na i-supervise ang mga clearing operations ng MMDA, not on-ly in the City of Manila kundi sa buong Metro Manila.
Parang nanood tayo ng reality TV show kapag nakikita natin sa video ang mga clearing operations ng MMDA na pinamumunuan ni Nebrija. May mga motoristang pumapalag, may nanindak ng MMDA traffic enforcer, may nagpa padrinong pulis, sundalo, politiko etc. Sa rami ng death threat na natanggap ng hepe ng Task Force, may pagkakataong nagsuot pa nga ito ng bulletproof vest.
Nakakatawang nakakainis panoorin ang maling katwiran ng motoristang traffic violator. Sa mga vehicle na subject for towing dahil sa illegal park-ing. Madalas na may nakikipagtalo sa traffic enforcer tungkol sa five minutes rule.
Ano na kaya ang nangyari sa isang babaeng piskal at sa asawa nito na nakipagtalo sa inyo tungkol sa 5 minute rule, kahit nag-apologize na sila sa MMDA tuluyan ba silang kinasuhan?
Sa kabilang panig, nakakabuwisit naman ang mga enforcer na parang hindi kabisado ang batas trapiko na kanilang ipinatutupad. Hindi nila maipali-wanag nang maayos sa motorista kung ano nga ba ito.
Aminado naman si Nebrija na malaki ang pagkukulang ng kanilang mga traffic enforcer kaya’t dapat isailalim sa matinding training at orientation ang mga ito. “Kapag nag-Ingles na ang driver, mukhang mayaman at maimpluwensiya, tiklop na si enforcer,” dagdag pa niya.
Lagi kong naririnig na sinasabi niya sa mga motorista ang salitang, “ang driver’s license ng isang nagmamaneho ay isang privilege and not a rights o hindi karapatan” pero hanggang kelan sila tama at kelan naman mali.
Kapag sa tingin ng driver o ng motorista na wala siyang traffic violation, dapat pa rin bang ipakita at ibigay ang kanyang driver’s license? Ano ba ang ruling ngayon, titiketan lang ba siya o kukumpiskahin ang kanyang lisensiya? Paki-orient nga po kami.
Isa pa sa hadlang sa pagpapatupad ng batas trapiko ay ang pagkakasalungatan sa traffic rule ng lokal at nasyunal. May pagkakataon na may mga lo-kal na ordinansa ang barangay na salungat sa MMDA traffic rules o national traffic regulation gaya ng no parking signs, pero sa lokal barangay ordi-nance ay puwede ang one side parking, kaya nagkaroon ng pagtatalo kung alin ang dapat sundin. Mukhang hindi pa ito naresolba?
Napakarami talagang problema sa lansangan. Mga carinderia na nagku-kusina sa bangketa. Diyan sa Maynila, may barangay na nag-issue ng pro-visional authority to park sa kalye, bayad daw monthly ng P7,500 at galing daw sa city hall ang basbas?
Sa lahat ng ito, isa lang ang kasagutan, ito ang POLITICAL WILL. “Yun na! Kung kaya ni Meyor Isko, kaya rin ng ibang ‘Yorme’ iyan, ‘di bah?