PONDO SA TYPHOON-HIT LGUs SAPAT

Budget Secretary Wendel Avisado

TINIYAK ni Budget and Management Secretary Wendel Avisado sa mga local government executive na may sapat na budget para sa kagyat na pangangailangan ng mga lugar na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

“The President has ordered the immediate release of additional funds for the local government units, particularly those affected by Typhoon Quinta, followed by Super Typhoon Rolly and then by Typhoon Ulysses,” pahayag niya sa Public Briefing program noong Martes.

Ayon kay Avisado, ang mga nalalabing pondo ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ay nasa P6.8 billion, na hindi sapat para sa mga pangangailangan ng mga lugar na sinalanta ng bagyo.

“The DBM has supplemented this by about P10 billion,” ayon kay Avisado.

Aniya, may panukala na i-extend ang financial assistance sa local government units (LGUs) na sinalanta ng mga bagyong Quinta at Rolly para madagdagan ang kanilang  calamity fund at ang budget ay kukunin sa pondo ng NDRRMC.

Sinabi niya na ipalalabas ang pondo sa loob ng linggong ito.

“This is equivalent to 1 percent of their IRA (Internal Allotment Fund) and we take into consideration the estimated amount of damage and number of affected populations as reported by both the OCD (Office of Civil Defense) and the DSWD (Department of Social Welfare and Development).”

Ayon kay Avisado, ang mga pondo ay direktang ipamamahagi ng Bureau of the Treasury (BTr) sa Modified Disbursement Account ng LGUs o sa system account sa pamamagitan ng Landbank of the Philippines (Landbank), Development Bank of the Philippines (DBP), o Veterans Bank.

Ang mga LGU na kuwalipikado para sa fund augmentation ay ang Albay, Quezon, Camarines Sur, Catan­duanes, Oriental Mindoro, Batangas, Sorsogon, Occidental Mindoro, Laguna, Marinduque, Cavite, Rizal, Camarines Norte, Masbate at Romblon.   PNA

Comments are closed.