PANSAMANTALANG itinigil ng Small Business Corp., ang corporate arm ng Department of Trade and Industry (DTI), ang pagtanggap ng loan applications para sa maliliit na negosyo na nangangailangan ng kapital para makapagpatuloy sa operasyon sa gitna ng COVID-19 crisis.
Ang COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) program ng SB Corp. ay inilunsad noong Marso, subalit kinailangang ihinto ang pagtanggap ng aplikasyon magmula pa noong nakaraang buwan dahil natabunan na ng libo-libong aplikasyon ang inilaan na P1 billion budget para sa programa.
“Actually we have temporarily suspended the acceptance of loan application, pero muli po namin itong bubuksan, siguro po, by mid-August po ay muli natin itong bubuksan,” wika ni SB Corp. Senior Vice President for Planning Advocay Frank Lloyd Gonzaga sa Laging Handa public briefing.
Aniya, magmula nang buksan ang programa ay nakatanggap sila ng halos 23,000 aplikasyon na may katumbas na halaga na P3.4 billion.
Nauna nang sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang CARES program ay na-oversubscribe at nangangailangan ito ng dagdag na pondo. PILIPINO MIRROR REPORTORIALT TEAM
Comments are closed.