POSIBLENG masuspinde si referee Noy Guevarra sa maling tawag na ginawa niya sa crucial game last Sunday sa pagitan ng Phoenix Pulse Fuel Masters at ng NorthPort Batang Pier, kung saan nanalo ang Phoenix 98-96.
Sa totoo lang, dapat pa nga ay tinawagan ng foul ang bantay ni Anthony, instead siya ang tinawagan ng foul. Inaamin naman ng PBA na may mali ngang nagawa ang kanilang referee. Kaya nga hindi napigilan si Mr. Erik Arejola, team governor ng Batang Pier, nang sugurin niya si referee Guevarra, naawat lang ni Mr. Eric Castro, head technical committee ng PBA. Sana maayos ang officiating ng liga para magandang panoorin. Ang tanong, inamin ng PBA ang maling tawag, ulitin kaya ‘yung laro ng Phoenix at NorthPort o ibigay ni Kume Willie Marcial sa kampo ng Batang Pier ang panalo.
Sisimulan ngayong linggo ang UAAP 3X3 tournament na gagawin sa Ayala Malls Feliz. Pangungunahan ng Ateneo Blue Eagles ang naturang tournament. Sina Thirdy Ravena, Matt Nieto, Matthew Daves, at Ivorian Behemoth Ange Kourame ang pambato ng Blue Eagles, na isa sa mga paborito sa men’s division. Habang ipaparada naman ng UP Fighting Maroon sina Kobe Paras at Ricci Rivero, kasama ang magkapatid na sina Juan at Javi Gomez de Liano. Si Jerrick Ahanmisi naman ang mangunguna para sa Adamson na makakasama sina Simon Camacho, Jerom Lastimosa, at Keith Zaldivar.
Sa La Salle naman ay lalaban sina Encho Serrano, Mark Dyke, Christian Manaytay, at USAP 1×1 champion Jordan Bartlett. Ang FEU ay dadalhin nina Wendell Comboy, Clifford Jopia, Alec Stockton at Barkley Ebona, habang ipaparada ng UST ang kanilang mga dekalibreng sina Chabi Yo, Renzo Subido, Rhenz Abando, at Dave Ando. Sa NU ay magbibida sina Daniel Chatman, JV Gallego, Michael Malonzo, at Karl Penano.
Nakalulungkot naman na ang aking alma mater ay hindi lalahok pero sa women’s devision ay may panlaban ang UE Lady Warriors, sina Cristine Cortizano, Princess Ganad Anne Jill Lou Princess at Dianne Pedregosa.
Samantala, mananatili ang panlaban ng NU sa women’s division na sina Jack Animam, Ria Nabalan, Monique del Carmen, at Rhena Itesi. Handa naman ang Adamson na makipagsabayan para makuha ang panalo. Nariyan sina Mar Prado, Kath Araja, Shellyn Bilbao, at Rose Ann Dampios, habang ang FEU ay ipaparada sina Clare Castro, Valerie Mamaril, Blanche Bahuyan, at Elaisa Adriano.
Sina Sai Larosa, Elondra Rivera, Tantoy Ferrer, at Maria Carolina Sangalang naman ang pambato ng UST, habang ang Ateneo ay sina Katrina Guytingco, Mary Angeluz Moslares, Lettice Miranda, at Zoe Chu, Ang La Salle ay pangungunahan nina Bettina Binaohan, Bennette Revillosa, Joehan-na Arciga, at Baby Charmine Torres.
Siyempre ay hindi mawawala ang UP na pagbibidahan nina Noella Cruz, Stiffany Larrosa, Lourdes Ordoveza, at Cindy Joyce Gonzales.
Good luck sa lahat na kalahok!
Comments are closed.