MADAMDAMIN ang mensahe ni Pops Fernandez sa ama ng kanyang mga anak na si Martin Nievera na nagdiwang ng kanyang kaarawan kailan lang:
“We have surpassed and hurdled a lot… and yet thru it all, we have remained friends. God has indeed a reason for everything! I wasn’t gonna write a message for you but hmmm.. why not? Promise, I’ll say only good things. You are such a generous giver and yet sometimes you forget to give to your-self. You always give more than 100 percent when you perform, and you are never selfish with your artistry. If the people only knew how much heart and soul you give in every performance, that no performance is ever too small nor too big. You are meant to be on stage. That is your way of touching everyone’s heart. The stage is your world and music is your being.
“I wish ASAP can give you a statue ‘coz not only did you think of its name, not only is it on the day of your b-day… you really are truly the only ORIGINAL host that remained. Stay happy and do not forget all the wonderful blessings around you…. thank you for being busy at the “right time” sana next year uli mas busy ka (private joke na po). Happiest bday @martinnievera. There is only ONE YOU… oh but you’re twins… so… that makes two of you in one??? Kaya nga twins hehehe. Ang corny ko!”
Ang sweet naman, ‘di ba?
ARNELL IGNACIO MISS NA MISS ANG SHOWBIZ
“GUSTO ko na magpaalam, eh,” ang lagi ngayong bukambibig ni OWWA Deputy Administrator Arnell Ignacio sa mga malalapit na mga kaibigan.
Napapagod na raw siya dahil madalas ngayon, kahit hindi na niya sakop eh, sa kanya lahat naitatambak ang mga tawag.
“Natutuwa ako nu’ng una na ang dami-rami kong natutulungan at napapaliwanagan sa mga bagay-bagay tungkol sa mga kababayan nating kailangan nang iuwi rito. Marami pa rin akong natututunan sa mga tao roon na kinakausap ko. At ang dali naman naming nagkakaintindihan. Kasi, madali rin na-man silang mga kausap. Kaya madaling naayos.
“Siguro dahil madalas ko na ring nakikita ang mga kaibigan ko like Ailyn (Ai Ai delas Alas), si Mamu (Andrew de Real) of the Library, nami-miss ko na naman ang showbiz. And the other Sunday, guest ako as host in a segment sa ginawang awards ng “Sunday PinaSaya”. Eh, ang saya-saya. Kaya si Ai Ai, yaya nang yaya na mag-showbiz na raw uli ako. Kasi nalalaman din niya ang ‘di matingkalang sakit ng ulo na inaabot ko sa in-assign na post sa akin ni Presidente. Pero ‘pag nandyan na ang mga tawag, parang automatic naman na tatalima agad ako,” pahayag ni Arnell.
Wala sa hinagap ni Arnell ang tumakbo sa politika. Ang gusto niya eh, patuloy na mag-prosper ang kanyang Creative Hair System and Microblad-ing sa kanyang clinic sa Swire Elan Suites sa Annapolis in Greenhills at mag-prosper din ang mga bubuksan pa niyang negosyo bilang tulong sa mga kaibigan niyang Tsino at Filipino na may kinalaman pa rin sa ating mga manggagawa sa bansa.
“Nami-miss ko na ang kumita,” natatawa nitong wika. “Para yumaman na tayo ng todo. Maiiwan ko naman ang business na ito para sa anak ko.”
Kaso mukha namang siya ang iniiwan na ng nag-iisang anak!
“Hindi ko nga maintindihan. Hinahayaan ko na lang muna ngayon!”
Marami nga ang iniisip ngayon ng OWWA Deputy Administrator. Huwag na nating hanapan ng lovelife maski pa inaasam nga niya iyan ngayon.
Maganda at maayos ang ginagawa niya para sa OWWA ngayon.
Kaya ang tanong, buti kung payagan siyang magpaalam!
Comments are closed.