BAGAMA’T tiniyak na sapat ang suplay ng baboy sa buong taon at sa panahon ng enhanced community quarantine dulot ng COVID-19 crisis, inaasahan ng Department of Agriculture (DA) ang supply shortage sa katapusan ng 2020.
“May nakikita tayo kaunting kakulangan sa supply ng baboy sa katapusan ng taon,” wika ni Agriculture Assistant Secretary at spokesperson Noel Reyes sa virtual press briefing.
Sa food supply outlook ng DA, mararanasan ang 31-day shortage ng baboy sa katapusan ng pork 2020.
“Pero ito po ay sinisikap natin na ito ay masolusyunan,” ani Reyes.
Nauna nang sinabi ng ahensiya na nananatiling isang hamon ang pork supply ng bansa dahil sa inaasahang deficit sa pork bunga ng African Swine Fever (ASF) outbreak.
Upang matugunan ang inaasahang kakulangan sa suplay, palalakasin din ng DA ang hog raising sa ASF-free areas.
Samantala, sinabi ni Reyes na may inaasahang surplus sa suplay ng bigas, mais, gulay, isda at manok sa katapusan ng taon.
Sa pagtaya ng DA, may surplus supply na 94 araw para sa bigas, 234 araw sa mais, anim na araw sa mga gulay, 2 araw sa isda at 233 araw para sa manok.
Comments are closed.