(Posible sa Agosto)50-BASIS POINTS NA PAGTAAS SA INTEREST RATE

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

NAKAHANDA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na itaas ang interest rate ng 50-basis points sa susunod na pagpupulong nito sa Agosto 18 sa gitna ng pagsirit ng inflation at ng paghina pa ng piso, ayon kay BSP Governor Felipe Medalla.

“When we have to because of inflation, we normally raise our policy rate (the interest we pay on our overnight borrowing from banks to guide bank lending rates) by only 25 basis points in one meeting,” sabi ni Medalla.

“That we are going to raise by 50 in our next meeting this August means we are not as gradualist as before,” dagdag pa niya.

Ang central bank ay dalawang beses nang nagtaas ng interest rates ngayong taon — 25 basis points noong Mayo at 25 basis points pa noong Hunyo.

Ang overnight reverse repurchase facility ay nasa 2.5%, ang overnight deposit facility ay 2.0%, at ang overnight lending facility ay nasa 3.0% matapos ang pinakahuling hike, na epektibo noong Hunyo 24.

Ang halaga ng piso ay sumadsad sa P56.06:$1 noong Huwebes, ang pinakamahina magmula noong Setyembre 27, 2005 nang magsara ito sa P56.295:$1.

“The BSP is ready to take further policy actions, if needed. It will also continue to support and advocate for non-monetary actions by other government agencies to contain any further inflationary pressures that may spill over to 2023,” dagdag pa ni Medalla.

Ang inflation ay bumilis sa 6.1 percent noong Hunyo dahi sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at ng iba pang commodities. Bagama’t pasok ito sa BSP forecast na 5.7 hanggang 6.5 percent, nanatili itong mataas sa government target na 2 hanggang 4 percent.