NANGANGANIB na magkaroon ng kakulangan sa suplay ng sardinas sa susunod na taon, ayon sa Canned Sardines Association of the Philippines
Sinabi ng grupo na hanggang Disyembre 2022 na lang ang kanilang buffer stock ng sardinas at kailangan nilang makahuli ng 72,000 metric tons ng tamban bago mag-Disyembre para matiyak na may suplay pa ng sardinas sa unang dalawang buwan ng 2023.
Gayunman, ang problema umano ay mas mababa na sa kalahati ang nahuhuli ng mga commercial fishermen sa ngayon.
“Our fishing boats are reporting to us that they are catching 40% of what they used to catch, and as of late 20% of what they traditionally catch at this time. Nagdo-dwindle ang supply ng sardinas,” pahayag ni CSAP Executive Director Francisco Buencamino.
Ayon kay Buencamino, mapipigilan ang napipintong kakulangan sa suplay ng sardinas kung papayaganAng mga lokal na pamahalaan ang mga commercial fishermen na lawakan ang maaari nilang pangisdaan.
Aniya, ang tamban ay migratory fish na pumupunta kung saan may pagkain. Marami umanong suplay sa municipal waters kung saan hindi maaaring makapangisda ang mga mangingisda ng canneries.
“It would be of great help if they will be allowed to fish at least 10.1 kilometers from the shore,” aniya.
“There is plenty in the 5 kilometer area or zone, dun namin gusto pumasok. Hindi kami puwede pumasok unless an ordinance is issued because of the fisheries act,” dagdag pa niya.
Malapit na rin, aniya, ang closed fishing season, na magsisimula sa December at tatagal hanggang February.
Sa nasabing mga buwan ay ipinagbabawal ang pangingisda ng commercial fishing vessels.