NAGBABALA ang Manila Electric Company (Meralco) na maaaring tumaas ang singil sa koryente dahil sa walang humpay na pagsirit ng presyo ng krudo.
Bagaman ang krudo ay kaagad na available sa bansa, ang presyo nito ay nadedetermina sa dollar exchange rate na pabago-bago base sa kalagayan ng pandaigdigang merkado.
Makikita ito sa distribution charge sa electricity bill.
Wala pang pinal na anunsiyo ang Meralco hinggil sa napipintong taas-singil sa koryente.
Sa ika-10 sunod na linggo ay inaasahan ang panibagong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes, Marso 8, sa gitna ng nagpapatuloy na Russia-Ukraine crisis.
Sa pagtaya ng mga taga-industriya, ang presyo ng diesel ay maaaring tumaas ng P5.40 hanggang P5.50 kada litro habang ang gasolina ay inaasahang magmamahal ng P3.40 hanggang P3.50 kada litro.
Samantala, ang presyo ng kerosene ay tinatayang tataas ng P4 hanggang P4.10 kada litro.