(Posible sa Hulyo) BAWAS-SINGIL SA KORYENTE

KORYENTE-2

MALAKI ang posibilidad na bumaba ang singil sa koryente sa Hulyo.

Ayon sa Meralco, ito’y dahil sa pagtatapos ng tag-init kung saan humihina na ang konsumo sa koryente.
Sa pahayag ni Meralco regulatory affairs head Ronald Valles, bumaba na ang presyo ng koryente sa spot market at may posibilidad na bumaba rin ang generation charge.

Bukod dito, bumaba na rin, aniya, ang presyo ng coal sa merkado.

Samantala, nagbabadyang bumaba ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa unang tatlong araw ng trading sa world market ay mahigit P1 na ang ibinagsak sa presyo ng gasolina habang halos P1 naman sa diesel.