TINAWAG na fake news ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang umano’y listahang hawak ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte hinggil sa mga sangkot sa pina-planong pagpapatalsik sa amang si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Lorenzana na una pa lamang niyang nakita ang post ng presidential son ay kumbinsido na siyang peke ito.
Tinukoy sa post na kasali sa tangkang pagpapatalsik sa Pangulo si Bishop Julio Labayen na namatay na bago pa man makapuwesto ang Pangulong Duterte at isang Bishop Arturo Santos na hindi naman nag-e-exist. DWIZ882
Comments are closed.