MAY bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.
Ito na ang ika-6 na pagkakataon ngayong taon na nagpatupad ng oil price rollback ang mga kompanya ng langis.
Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. na tatapyasan nila ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P0.40, diesel ng P3.10, at kerosene ng P2.10.
Magpapatupad ang Cleanfuel ng kaparehong adjustments, maliban sa kerosene na wala sila.
Epektibo ang bawas-presyo sa alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel, na mag-a-adjust ng presyo sa alas-8:01 ng umaga sa kaparehong araw.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), ngayong taon, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng P22.00, diesel ng P34.50 at kerosene ng P29.75.