HINDI sisingilin ng Bureau of Customs (BOC) sa duties and taxes ang imported Personal Protective Equipment (PPE), medical supplies at health devices, ito ay alinsunod sa nakasaad ng Provisional Goods Declaration System (PGS).
Ayon sa pamunuan ng ahensiyang ito, ang Provisional Goods Declaration System (PGDS), ito ay isang incomplete declaration, kung saan pinapayagan ang mga importer ng tentative release ng kanilang mga shipment, ngunit kinakailangan na isumite ang mga naka-pending na mga dokumento, katulad ng Tax Exemption Indorsement (TEI).
Dagdag pa ng BOC upang maka-avail ang mga importer sa tax at duty exemption ay ipasok sa Provisional Goods Declaration gamit ang assigned model of declaration “4PG-4” under Box 1 ng Single Administrative Document. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.