PPIA EMPLOYEES NAGSAULI NG PERA

Pera

PALAWAN – PINARANGALAN ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kanilang empleyado ng Puerto Princesa International Airport (PPIA), matapos magsauli ng black bag na naglalaman ng cash at iba pang gamitan.

Ang nasabing black bag ay naiwan noong Pebrero 15 ng isang 45-anyos American-Vietnamese na si Tien Trung Bui sa ibabaw ng mesa ng Department of Health (DOH) sa may arrival area ng PPIA .

Si Bui ay pasahero ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 2347 galing sa Mactan International Airport (MIA).

Bukod sa P100,000 na cash,  kasabay na isinauli ang GoPro camera, insect repellent at diving gear nitong si Bui.

Kinilala naman ang tatlong tapat na empleyado na sina Reywelyn Macabutas, Aika Carceller, at Richard Guillermo , mga kawani ng Puwerto Princesa International Airport. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.