ISABELA-ISANG prayer rally ang isinagawa ng PNP-Cauayan City sa mismong ika-157 kaarawan ng bayaning si Andres Bonifacio upang ihayag ang kanilang saloobin kasabay ng pagkondena sa mga nagaganap na armadong pakikibaka ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA).
Ayon kay P/Lt. Scarlette Topinio, tagapagsalita ng PNP-Cauayan City, layon nito na magsagawa ng mga information drive para wakasan na ang armed conflict sa pamamagitan ng mapayapang prayer rally.
Aniya, nagsisilbing hadlang ang presensiya ng mga makakaliwang grupo sa paghahatid ng mga programa ng pulisya lalo na sa mga liblib na lugar na siyang pinupuntahan ng mga ito upang kumbinsihing sumama sa kilusan.
Kaugnay nito, nanawagan din ang PNP-Cauayan City sa publiko na huwag nang magpalinlang sa mga panghihimok ng makakaliwang grupo upang magkaroon ng payapang lipunan. IRENE GONZALES
Comments are closed.