DAHIL sa sunod-sunod na pagyanig sa Mindanao, pinag-ibayo na ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang pagtulong sa mga biktima sa pagtama muli lindol ng lindol sa bahagi ng Mindanao.
Ayon kay Senator Richard Gordon, Chairman at CEO ng PRC, puspusan ngayon ang pagbibigay ng tulong ng PRC chapters sa mga biktima ng kalamidad.
Kabilang sa binanggit ni Gordon ang PRC chapters sa South Cotabato, Cotabato City, Maguindanao, Sultan Kudarat, North Cotabato, Davao Del Sur, General Santos, at Davao City.
Pahayag ni Gordon, nagpadala na sila ng mga ambulansiya, rescue teams at emergency personnel para tumulong sa evacuation at pagbibigay ng atensiyong medikal sa mga apektadong lugar.
Dagdag pa ni Gordon, may nakahanda rin ang PRC na medical tents na may generators at tubig na puwedeng inumin para sa mga lugar na naputulan ng koryente at may problema sa suplay ng malinis na tubig. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.