PRESKO PARA SA PRESO

PRESO

Kakaiba at kauna-unahang programa ang ginawa ng Cavite City Component Police Station sa pangunguna ni PLt Col. Allex Reglos at City Disaster Reduction Risk Management Office para sa  230 preso na sabay-sabay na pinaliguan gamit ang fire truck. Ginawa ang programa na ito dahil sa matinding nararamdamang init ng panahon sa ngayon. Libreng sabon at shampoo ang inilaan ng CDRRMO para sa mga preso. Layunin ng programang ito na maging maginhawa at presko ang pangangatawan ng bawat preso at mailayo ang mga ito sa sakit. Naka-full security ang PNP habang isinasagawa ang programa. Kuha ni SID LUNA SAMANIEGO

Comments are closed.