PRESO SWAB TEST MUNA BAGO LAYA

swab test

NAGKASUNDO ang Navotas City local go­vernment unit (LGU) at Navotas City Jail (NCJ) na kailangang ipa-swab test muna ang mga presong isasailalim sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) para matiyak na ligtas sila sa COVID-19 bago umuwi sa pamilya.

Base sa inilabas na Executive Order ni Ma­yor Toby Tiangco bunsod na hiling ni NCJ Warden Chief Insp. Atty. Ricky Heart Pegalan na in-isyu ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang order bunsod ng kahilingan ng bagong itinalagang BJMP National Capital Region (NCR) Director Chief Supt. Si Luisito Munoz na isailalim muna sa swab test ang mga preso bilang pag-iwas at pamamahala sa COVID-19.

Ayon kay Atty.Pegalan, bukod sa mandatory swab testing sa mga PDL na iniutos ng korte na ikulong sa NCJ, ang mga preso na malapit nang palayain mula sa pagkakakulong matapos makapagpiyansa o kaya ay pinawalang-sala ng korte ay maaaring magpa- swab test kung may mga sintomas ng COVID-19.

“Yung prior release, options lang just in case may sintomas ang PDL, turnover namin siya sa Navotas City Health Department pero yung test prior to commitment, mandatory talaga at libre naman ang test na isasagawa ng mga local health officer ng Navotas,” sabi ni Pegalan.

Ikinalulugod ding  ibalita ni Pegalan na ang NCJ ay nananatiling walang COVID-19 cases mula noong kumalat ang virus noong Marso. VICK TANES

Comments are closed.