HINIHIMOK ngayon na muling bumalik sa kanilang mga selda ang may 40 na mga dating preso sa Puerto Prinsesa, Palawan na pinalaya dahil sa good conduct time allowance (GCTA) na boluntaryong sumuko nang tumakas mula sa police custody.
Hinala nang pamunuan ng Iwahig Prison and Penal Farm na naburyong ang mga dating preso dahil sa pag aabang sa resulta ng validation at recomputation ng GCTA ng mga napalayang convicts.
Kinumpirma ni Levy Evangelista tagapagsalita ng penal colony na kamakalawa Sabado ng hapon nang tumakas ang mga dating inmates gamit ang ibat ibang exit points ng kulungan.
Nabuburyong umano ang mga dating preso at nais nang umuwi sa kani-kanilang mga tahanan, pero hinimok na maghintay dahil sa isinasagawang proseso ng Department of Justice (DOJ).
Naubos na umano ang pasensiya ang mga dating preso kaya ginawa nilang tumakas.
Hinihimok na boluntaryo muling sumuko ang mga dating convicts para maging legal ang kanilag release process. VERLIN RUIZ
Comments are closed.