PRESYO NG BABOY BUMABA

NAGKAROON ng pagbaba sa presyo ng baboy, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa isang statement, sinabi ng DA na sa latest report ng Bantay Presyo Price Monitoring Unit nito, ang kasalukuyang presyo ng kasim ay P280 kada kilo, mas mababa kumpara sa pinakamataas na presyo nito na P360 kada kilo noong January 2021.

Samantala, ang liempo ay nasa P340 kada killo na lamang mula sa pinakamataas na presyo nito na P400 kada kilo noong  January 2021.

Sinabi ng DA na ang frozen pork na ibinebenta sa wet markets ay patuloy na mas mura ng P60 kada kilo kumpara sa sariwang baboy sa P220 kada kilo para sa frozen kasim at P280 kada kilo para sa frozen liempo.

Gayunman, pito lamang sa bawat 100 meat stalls ang nagbebenta ng frozen pork sa wet markets sa Metro Manila dahil ang frozen pork ay nangangailangan ng chillers.

Umaasa ang DA na magpapatuloy ang pagbaba sa presyo ng local pork sa NCR wet markets.

Ang retail prices ay karaniwang sumusunod sa paggalaw ng farmgate prices ng baboy.

Sa datos mula sa  hog producers, ang farmgate prices ay unti-unting bumababa magmula noong January 2021.

Kapag nagpatuloy ito, tinataya ng DA na maaaring bumalik ang retail prices sa price level noong Setyembre ng nakaraang taon.

198 thoughts on “PRESYO NG BABOY BUMABA”

  1. 651438 157713Ive been absent for a whilst, but now I remember why I used to love this website. Thank you, I will try and check back more often. How frequently you update your web site? 578972

Comments are closed.