SUMIRIT pa ang presyo ng baboy at gulay sa ilang pa- milihan sa Metro Manila.
Sa Sangandaan Market sa Caloocan City, umabot na sa P400 ang kada kilo ng liempo habang nasa P360 naman ang kada kilo ng kasim at pigue.
Sa Balintawak market naman, tumaas ang presyo ng gulay kung saan ang sibuyas ay umabot na sa P170 ang kada kilo at inaasahang tataas pa sa P200 sa mga susunod na araw.
Inaasahan din ang taas-presyo sa talong, ampalaya at siling pangsigang.
Bumaba bumaba naman ng P10 hanggang P20 ang kada kilo ng manok.
Mula sa P170 ay nasa P150 hanggang P155 na lamang ang presyo ng kada kilo ng manok. DWIZ 882