PATULOY ang pagtaas ng retail at wholesale prices ng construction materials sa Metro Manila, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa Construction Materials Retail Price Index (CMRPI), sinabi ng PSA na ang retail prices ng construction materials ay tumaas ng 2.6 percent noong Mayo, mas mataas ng 1 percent sa naitala noong Mayo ng nakaraang taon. Year-to-date, ang CMRPI ay lumago ng 2.3 percent.
Sa datos ng PSA mula sa Construction Materials Wholesale Price Index (CMWPI), ang wholesale prices ay sumirit ng 8 percent noong Mayo, mas mataas sa 2.4 percent na naiposte noong Mayo ng nakaraang taon. Ang wholesale prices ay tumaas ng 6.8 percent sa January-May period.
Ang retail prices ng construction materials ay sumipa sa likod ng mas mahal na carpentry materials, na ang presyo ay tumaas ng 3.8 percent.
“However, the increase in prices in a number of commodity groups was balanced by slower increases in the prices of tinsmithry materials. Some commodity groups also remained at the previous month’s level such as electrical materials and plumbing materials. This helped maintain the growth of the CMRPI at the same growth rate as April at 2.6 percent,” ayon sa PSA.
Sa report ng PSA, ang pagtaas ng presyo ay naobser¬bahan sa plywood, lawanit, common wire nails, electrical wires, PVC pipes, hollow blocks, paints, corrugated G.I. sheets at steel bars. Bumaba naman ang presyong semento sa naturang buwan.
Samantala, ang wholesale prices ay sumipa dahil sa pagmahal ng fuels at lubricants. Ang presyo ng na-sabing mga commodity ay tumaas ng 29.9 percent noong Mayo. CAI ORDINARIO
Comments are closed.