BUMABA ang presyo ng rice varieties sa mga pamilihan sa Metro Manila ng mula P2 hanggang P5 kada kilo dahil sa pagtaas ng supply sa pagdating ng anihan.
Batay sa report, ang presyo ng bigas sa Tandang Sora Market sa Quezon ay nabawasan ng hanggang P5 kada kilo.
Ang presyo naman ng pangunahing butil sa Kamuning Market ay bumaba ng P3 kada kilo, habang ang sa Muñoz Market ay may P2 bawas kada kilo.
Ang bawas-presyo sa rice varieties ay dulot ng pagkakaroon ng karagdagang supply dala ng anihan.
Nauna nang sinabi ng National Food Authority (NFA) na inaasahan ang pagbagsak ng presyo ng bigas sa bansa sa mga susunod na araw dahil sa pagsisimula ng harvest season.
Inaasahang lalo pang bababa ang presyo ng bigas pagsapit ng Nobyembre at Disyembre dahil naman sa pagdating ng tone-toneladang inangkat ng pamahalaan.
Comments are closed.