PRESYO NG BIGAS ‘DI KAYANG IBABA NG RICE RETAILERS

BIGASAN

HINDI kayang ibaba ng ilang rice retailers ang presyo ng kanilang ibinebentang bigas sa kabila ng papalapit na  harvest season o anihan ng mga palay.

Kasunod din ito ng pagbaba ng presyo ng produkto sa pandaigdigang merkado at pagdami ng suplay.

Ayon sa mga rice retailer sa Pasay Public Market, hindi sila basta-basta nagbababa ng presyo ng bigas, hindi tulad sa ilang pamilihan.

Kung mayroon man anilang bagsak-presyo, hindi ito tinatangkilik ng nakararami dahil sa kalidad nitong madilaw at mabahong amoy.

Sa ngayon, nananatiling mataas ang presyo ng ilang klase ng bigas gaya ng  well-milled rice na maalsa at mabango na naglalaro ang presyo sa hanggang P56 at special rice na nasa P70  ang kada kilo.

DWIZ 882