SUMIPA ang presyo ng wholesale at retail prices ng regular-milled rice at well-milled rice varieties sa ikaapat na linggo ng Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa price monitoring report ng PSA, ang average wholesale price ng regular milled rice ay nasa P39.13 per kg, mas mataas ng 0.69 percent sa P38.86 price level na naitala sa ikatlong linggo ng Hulyo.
“Relative to the same period in the previous year, this week’s price level accelerated by 10.72 percent,” wika ng PSA.
Ang average retail price ng regular milled rice ay naitala naman sa P41.49 per kg, mas mataas ng 0.78 percent kumpara sa P41.27 sa naunang linggo.
“It likewise, climbed by 9.71 percent from the level a year ago at P37.91 per kg,” nakasaad pa sa report ng PSA.
Naobserbahan ng PSA na ang wholesale price ng well-milled rice ay sumipa ng 0.71 percent sa P42.60 sa naturang panahon mula sa P42.30 sa naunang linggo.
“Relative to the same period in the previous year, it was also priced higher by 8.81 percent,” sabi pa ng PSA.
“The average retail price of well milled rice at P45.32 per kg posted an uptick of 0.71 percent from the level a week ago. Similarly, it rose by 8.03 percent from P41.95 per kg in the previosu year,” dagdag pa nito.
Ang pagdating ng bigas na inangkat ng National Food Authority (NFA) ay inaasahang magpapababa sa presyo ng bigas. Gayunman, dahil sa masamang panahon ay naantala ang delivery ng rice imports sa mga bodega ng NFA, dahilan para hindi ito agad maipamahagi ng ahensiya sa local mar-kets.
“It is possible that [the price of rice continues to increase due to delay in our import arrival]. If you are only infusing a little volume in the market, definitely it will affect the price,” pahayag ni NFA Spokesman Rex Estoperez.
Samantala, makaraang bahagyang bumaba sa naunang linggo, ang average farm-gate price ng palay sa buong bansa ay muling sumipa sa bagong record-high na P21.80 per kilogram (kg) noong end-July.
Sa datos ng PSA, ang kasalukuyang average palay quotation hanggang noong huling linggo ng Hulyo ay mas mataas ng 1.02 percent sa P21.59 per kg price level na naitala sa ikatlong linggo ng Hulyo.
“This was also higher by 11.79 percent from the level a year ago at P19.51 per kg,” pahayag ng PSA sa report na nalathala kamakailan.
Ang naunang record-high average palay quotation ay naitala sa ikalawang linggo ng Hulyo sa P21.61 per kg.
Sa reference period mula Hulyo 25 hanggang Hulyo 31, naitala ng PSA ang pinakamataas na farm-gate price ng palay sa Central Visayas region sa P23.78 per kg, habang ang pinakamababa ay sa ARMM sa P18.50. JASPER ARCALAS
Comments are closed.