NAGLUNSAD ang pamahalaan ng isang nationwide price monitoring program upang makita ang mga epekto ng pagtapyas sa taripa sa bigas.
Sa ulat ng GMA News Online, ang programa ay pangungunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of Agriculture (DA).
Sasaklawin ng price watch ang retail markets, grocery stores, at wet markets.
Tiniyak ng DTI na mahigpit na babantayan ang mga presyo ng bigas. Ang lahat ng impormasyon na kanilang makukuha mula sa programa ay gagamitin ng policymakers upang matiyak ang sapat na suplay ng bigas.
Ipinalabas ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 62 noong nakaraang Hunyo na bumago sa import duty rates mg iba’t ibang produkto upang mapahupa ang inflationary pressure at maprotektahan ang purchasing power ng mga Pilipino.