NAGPAKALAT ang Department of Trade and Industry (DTI) ng team para bantayan ang presyuhan ng face masks sa merkado kasunod ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Linggo.
Ayon sa DTI, nakatangap sila ng sumbong na biglang sumirit ang presyo ng N95 masks at gas masks sa mga tindahan.
Babala ng ahensiya, ang sinumang mahuhuling nagpatupad ng hindi makatuwirang pagtaas sa presyo ng face masks, gas masks at mga kahalintulad na produkto ay maaaring maparusahan.
“Those found to have unreasonably increased their prices for gas masks, face masks and other similar items, which act is tantamount to profiteering, shall be dealt with to the fullest extent of the law.”
Sinabi ng DTI na kasong kriminal ang maaaring kaharapin ng mga business entity o indibidwal na nananamantala dahil sa sitwasyon.
Samantala, sinabi ng DTI na wala ring pagbabago sa suggested retail price ng mga pangunahing bilihin. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.