LABINGWALONG multinational drug makers sa ilalim ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines ang nag-alok na magbababa ng presyo ng kanilang mga gamot.
Ito ay kasunod ng pakikipagpulong sa kanila ni Health Secretary Francisco Duque.
Kasama sa mga babawasan ang presyo ay ang mga gamot sa tinatawag na rare disorders, major non-communicable diseases, at infectious diseases, pahayag ng PHAP, subalit hindi nila tinukoy kung ano-ano ang mga gamot na ito.
Nagpanukala rin ang grupo ng ‘holistic and comprehensive’ na pagtulong, partikular sa mga may cancer, kabilang ang diskuwento para sa mga laboratory test.
Maaring makakuha ang isang breast cancer patient ng hanggang sa 54 porsiyentong bawas sa mga gamot o libreng gamot para sa itinakdang treatment cycles nito.
Comments are closed.