PRESYO NG ILANG BRAND NG SARDINAS AT CORNED BEEF TUMAAS

canned goods

EPEKTIBO na ang mas mataas na presyo ng siyam na brands ng sardinas at isang brand ng corned beef.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), nasa kwarenta (P0.40) hanggang otsenta’y singko sentimos (P0.85) ang naidagdag sa presyo ng kada ordinar­yong lata ng sardinas.

Idinadahilan diumano ng  manufacturers ng sardinas ang pagtaas ng presyo ng tamban na ginagamit sa paggawa ng sardinas.

Samantala, isang brand naman ng corned beef ang nagtaas ng pres­yo dahil sa pagmahal ng beef forequarter.

Comments are closed.