AY rollback sa presyo ng langis ngayong Marso dahil sa pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.
Alas-6 ng umaga ng Sabado ay nagpauna na sa tapyas-presyo ang Phoenix Petroleum, P1.60 kada litro ng diesel habang P1.40 kada litro ng gasolina.
Habang ang Clean Fuel ay magpapatupad ng kaparehong rollback ng sa Phoenix alas-4 ng hapon ngayong araw ng Linggo.
Paliwanag ng ilang oil players, epekto ang rollback ng biglang paglobo ng bilang ng mga apektado ng coronavirus disease 2019.
Iniulat na mahina ang konsumo ng langis lalo na sa China dahil sa paghinto ng operasyon ng mga negosyo kaya patuloy ang pagsadsad ng presyo nito sa world market.
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang anunsiyo ang ibang gasolinahan ukol sa kanilang rollback.
Comments are closed.