PRESYO NG LITSON TUMAAS NA

MALAKI na ang itinaas ng presyo ng litson sa La Loma sa Quezon City, at inaasahang tataas pa ito habang papalapit ang holiday season.

Ang litson na may bigat na anim hanggang pitong kilo ay nagkakahalaga na ngayon ng P10,000 mula  P7,500 — tumaas ng 33% increase.

Umakyat naman ang presyo ng walo hanggang siyam na kilo ng litson ng 29.4% sa P11,000 mula P8,500; habang ang presyo ng litson na may bigat na 10 hanggang 11 kilos ay tumaas ng 30% sa P13,000 kumpara sa dating presyo na P10,000.

Samantala, sa kasalukuyan ay nananatiling stable ang presyo ng ham sa Quiapo, Manila.

Ang bone-in ham ay nagkakahalaga ng P1,860 kada kilo; deboned ham, P1,760 kada kilo; pineapple sweet ham,  P1,360 kada kilo; at  scrap ham, P1,720 kada kilo.

Ayon kay Trade Secretary Maria Cristina Roque, wala pa sa kalahati ng traditional noche buena products ang tumaaa ang presyo kumpara noong nakaraang taon.

“For the noche buena items, we don’t have… More than  50% had the same prices last year, meaning no price increase siya from last year. Tapos meron mga iba na nag-increase sila, pero less than 5%,” sabi ni Roque.