BUMABA ng P10 hanggang P20 ang presyo ng kada kilo ng manok sa ilang palengke sa Metro Manila, batay sa monitoring ng Department of Agriculture (DA).
Sa Litex Market, P160 hanggang P170 na lamang ang presyo ng kada kilo ng manok habang P150 hanggang P160 kada kilo naman sa Commonwealth.
Samantala, stable naman ang presyo ng gulay tulad ng labanos na nasa P60 ang presyo kada kilo; patatas, P60/kilo; Baguio beans, P90/kilo; carrots, P120/kilo; at repolyo, P80/kilo.
Samantala, ang presyo ng kamatis ay nasa P60 kada kilo; kalamansi, P60/kilo; bawang, P100/kilo; pulang sibuyas, P140/kilo; at siling labuyo, P400/kilo.
DWIZ 882