PRESYO NG NOODLES, SARDINAS NAGBABADYANG TUMAAS

NOODLES-SARDINES

NAGBABADYANG tumaas ang presyo ng ilang pangunahing bilihin dahil humihirit ang mga manufacturer sa Department of Trade and Industry (DTI) ng price adjustment dito.

Sinabi ng DTI na P1.35 hanggang P1.65 ang hirit na taas-presyo ng Rose Bowl sardine brand bawat lata ng kanilang sardinas, at nasa P1.40 hanggang P1.70 taas-presyo kada lata naman ang hirit ng sardine brand na Saba.

Humirit din ang Lucky Me ng P0.46 price adjustment bawat pakete ng kanilang instant noodles habang P0.20 bawat pakete naman ang hirit ng Payless.

Kahit kandila ay maglalaro sa P2 hanggang P7 sa  hirit ng 5 Star Candle na taas-presyo bawat piraso.

Tumaas kasi umano ang raw materials sa paggawa ng kandila at instant noodles habang nagmahal naman ang kuha ng isdang tamban na ginagamit sa paggawa ng sardinas.

Pahayag naman ni Trade Undersecretary Ruth Castelo, posibleng kada quarter o kada 3 buwan na lang magpapatupad ang DTI ng taas-presyo.

“Gusto sana natin every quarter na lang para hindi masyadong mabigat for the consumer ‘yong pagtaas ng pres­yo, maya’t maya gu­magalaw,” ani Castelo.

“Tingnan natin kung may urgency ba,” ani Castelo.

Comments are closed.