SIRIT na naman ang presyo ng produkto ng petrolyo ngayong araw, na nagsisilbing ikatlong linggo na magkakasunod na dagdag ng oil companies.
Sa magkahiwalay na advisories, ipinaalam ng Flying V at Pilipinas Shell Petroleum Corp. na sila ay magtataas ng presyo bawat litro ng gasolina ng P0.65, kerosene ng P0.45 at diesel ng P0.35.
Magpapatupad ang Eastern Petroleum Corp. at PTT Philippines Corp. ng parehong pagbabago, maliban sa kerosene.
Ang pagbabago ng presyo ay magsisimula alas-6 ng umaga ngayong araw, Mayo 29.
Ito ang ikatlong linggo ng dagdag-presyo, matapos na itaas ang presyo ng gasolina at diesel ng higit sa P1 kada litro sa nagdaang dalawang linggo.
Mag-aanunsiyo pa ang ibang oil companies ng kanilang adjustment para ngayong linggo.
Ang huling datos ng Department of Energy ay nagpakita ng presyo ng bawat litro sa bansa na naglalaro sa P41.40 hanggang P47.78, gasolina mula P50.85 hanggang P60.85, at kerosene mula sa P47.26 hang-gang P57.01.
Comments are closed.