POSIBLENG tumaas muli ang presyo ng sardinas ngayong buwan na ito.
Ayon kay Angel Jorge Ledesma ng Industrial Group of Zamboanga, na hindi malayo na tumaas ang presyo ng sardinas lalo’t krudo at gasolina ang ginagamit sa pangingisda.
Hindi pa masabi sa ngayon kung magkano ang posibleng itaas sa presyo ng sardinas.
Sinabi ni Ledesma na kapag tumataas ang presyo ng krudo at gasolina ay tataas din ang kanilang konsumo at ang lahat ay mag-susunuran na sa pagtataas ng presyo.
Aniya, tinitimbang o tinitingnan ang patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo dahil sa ito ay kanilang ginagamit sa araw-araw na panghuhuli at paggawa ng mga sardinas kaya’t posibleng sila ay magtaas ng presyo nito. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.