PRESYO NG SARDINAS TATAAS

sardinas

SISIRIT ang presyo ng mga de-latang sardinas mula P0.50 hanggang P0.80, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI)

Sa pahayag ni Marvin Lim, presidente ng Canned Sardines Association of the Philippines, tumaas ang presyo ng mga isdang tamban na ginagamit sa paggawa ng sardinas, habang ang mga ginagamit na tin plate sa repacking ng nabanggit na produkto ay tumaas din.

Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng Department of Trade and Industry (DTI) kung magkano ang papayagan nilang dagdag presyo sa sardinas.

Noon pang isang taon  hiniling ng association sa DTI na magtataas sila ng kalahati ng kanilang presyo ng produktong sardinas subalit hiniling ng nasabing ahensiya na manatili muna ito sa da­ting presyo na kanilang pinagbigyan.

Tataas din ang pres­yo ng ilang brand ng condiments, tulad ng toyo, suka, patis formula milk, pati na ang noodles at aabot sa dalawa hanggang limang porsiyento ang posibleng dagdag sa presyo ng mga nabanggit na produkto ayon sa Philippine Amalgamated Supermarket Association.         BENJARDIE REYES

Comments are closed.