TINIYAK ng Malakanyang na walang magiging pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity kasunod ng pananalasa ng bagyong Ulysses.
Sa kanyang pagharap sa briefing ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinaalalahanan din ni Presidential Spokesperson Harry Roque Department Trade And Industry (DTI) hinggil sa Republic Act 7581 o Price Act.
“Pinapalalahanan din ang Department of Trade and Industry na base sa Republic Act 7581 o ang Price Act, ang presyo ng mga bilihin [sa mga lugar under state of calamity] ay frozen sa kanilang prevailing prices sa ilalim ng automatic price control sa loob ng 60 araw,” sabi ni Roque.
Ayon kay Roque, kabilang sa mga lugar na dapat magpatupad ng price freeze ay ang Batangas, Cavite, Catanduanes, Mindoro, Palawan, Camarines provinces, at Marikina City.
Nakasaad sa Section 6 ng Price Act na, “if the prevailing price of any basic necessity is excessive or unreasonable, the implementing agency may recommend to the President the imposition of a price ceiling for the sale of the basic necessity at a price other than its prevailing price.”
Si ‘Ulysses’ ay nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility bago magtanghali kahapon subalit nag-iwan ito ng 14 na patay at malaking pinsala sa mga ari-arian.
Comments are closed.