PRICE FREEZE SA BILIHIN AWTOMATIKO SA CALAMITY AREAS – DTI

DTI

AWTOMATIKONG ipinatutupad ang price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity, ayon kay Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Lopez na saklaw ng price freeze ang mga pangunahing bilihin tulad ng canned goods, instant noodles, kape at gatas.

“Unang-una, the Typhoon Quinta last week, so may mga state of calamity, so automatic price freeze doon sa mga calamity area —Albay, Batangas, Oriental Mindoro, Marinduque,” sabi ni Lopez.

“Tapos, yesterday, nag-declare na rin ang Cavite, o price freeze na rin tayo diyan,” dagdag pa niya.

Noong Lunes ay idineklara rin ang state of calamity sa Camarines Sur matapos ang pananalasa ng bagyong Rolly.

Ayon kay Lopez, ang mga lalabag ay mahaharap sa hanggang P2 million na multa.

Kahit walang price freeze, sinabi ni Lopez na maaari pa ring makontrol ang mga presyo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng suggested retail price (SRP).

Comments are closed.