IPINAALALA ng Department of Trade and Industry (DTI) na hanggang sa Enero 17 pa tatagal ang price freeze sa mga pangunahing bilihin sa Luzon.
Ayon sa DTI, dahil dito ay hindi pa maaaring magtaas ng presyo sa Luzon kahit pa dagsa ang mga mamimili sa mga grocery at palengke para sa holidays.
Tiniyak naman ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na mahigpit nilang binabantayan ang pagpapatupad ng suggested retail price (SRP) at nagpapadala na rin, anila, sila ng letters of inquiry sa mga nakikitaan ng paglabag.
Ayon kay Castelo, kapag hindi ibinalik sa tamang presyo ay dito na maghahain ng kaso ang DTI sa ilalim ng Price Act kung saan papatawan ang mga ito ng multang P5,000 hanggang P2 milyon at pagkakulong ng lima hanggang 15 taon. DWIZ 882
Comments are closed.