PRICE FREEZE SA LPG SA BUKIDNON UMIIRAL DAHIL SA STATE OF CALAMITY

NANAWAGAN ang Department of Energ (DOE) sa mga negosyante partikular sa retailer ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) na patuloy na umiiral ang price freeze nasabing produkto sa Bukidnon.

Paliwanag ng DOE, nakataas ang State of Calamity sa probinsya bunsod ng  dengue outbreak kung saan pumalo na sa 5,099 ag kaso ng nasabing sakit mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.

Ginawa ng DOE ang pahayag, kasunod ng muling paggalaw ng presyo ng LPG  ngayong buwan.

Batay sa record,  nsa P0.80 kada kilo ang itinaas sa presyo ng LPG  subalit kapag ang isang lugar ay nasa state of calamity, hindi lang ang nasabing produkto ang naka-price freeze.

Maging ang lahat ng oil products ay hindi maaaaring itaas sa loob ng 15 araw.

PMRT