DALAWA pang manufacturers ng brand ng sardinas ang humihirit sa Department of Trade and Industry (DTI) ng isa pang round ng taas-presyo dahil umano sa mataas ng cost ng raw materials.
Sinabi niya na masusing pinag-aaralan ng ahensiya ang bagay na ito para masiguro na resonable ang magiging dagdag-presyo.
“Pinag-aaralan natin sila. Gusto natin kasi na masigurong tama ‘yung mga dahilan nila. Itong susunod, iba naman ang dahilan. Imported meat products naman ang mataas ang presyo sa international market dahil affected ng dollars,” ani Castelo.
Isiniwalat naman ng sources sa industriya na nagpresyo ng mga produktong delata kasama ang sardinas, corned beef at meat loaf ay umakyat na sa P1.75 mula nang magsimula ang tao sa dalawang rounds ng price increases.
Samantala, mino-monitor ng DTI ang presyo ng Pinoy Tasty Loaf bread matapos maobserbahan ang pagtaas ng presyo ng refined sugar, isang pangunahing sahog ng tinapay, kasabay ng dalawang magkasunod na taas-presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).
“As of today, ‘yung monitoring natin, pareho pa rin ang presyo ng tinapay,” ani Castelo.
Dagdag pa niya na ang DTI ay nagtsetsek ng galaw ng presyo ng ibang gumagawa ng tinapay.
“‘Yung medyo premium brand mono-monitor natin ‘yan. Tingnan natin gaano kalaki ang itataas nila kung mayroon man kasi monitored natin ‘yun. We can probably communicate with them baka puwede absolute minimum,” sabi niya.
Comments are closed.