NANGANGANIB na tumaas ang presyo ng baboy at manok kasunod ng pagsabog ng Bulkang Taal, ayon sa Philippine National Bank (PNB).
Ang Calabarzon region ay napag-alamang second largest producer kapwa ng buhay na manok at baboy.
“Coupled with a strong typhoon at the close of 2019, the volcanic eruption could take its toll on inflation rather than on domestic demand that could undermine GDP prospects,” sabi ng PNB.
Gayunman, ang pagsipa ng presyo ng pagkain dahil sa kalamidad ay karaniwang hindi nagtatagal sa sandaling pumasok ang imports ay nagiging normal ang operasyon ng mga negosyo.
“Significant government and private sector spending on rebuilding and recovery will help compensate for the downside risks,” sabi pa ng bangko.
Dagdag pa nito, ang post-disaster at domestic demand prospects sa mga apektadong rehiyon ay madaling makababawi dahil sa malakas na fiscal response. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.