PRICE HIKE ‘WAG ISISI SA TRAIN

HINDI dapat isisi sa first package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law ang pagtaas ng presyo ng mga bilhin, giit ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Sa pagdinig ng House Committee on ways and means sa package 2 ng  TRAIN o ang House Bill No. 7458, sinabi ni Dominguez na ang first package ng tax reform law ay bumubuo lamang sa four-tenths ng isang porsiyento ng inflation rate noong Abril na 4.5 percent, na nangangagulugan na ang bawat pisong pagtaas sa presyo ay 9 sentimos lamang ang nagmula sa TRAIN.

“TRAIN has been unfairly blamed for the elevated inflation rate we are currently experiencing. By our estimates, fully two-thirds of last April’s 4.5 percent inflation rate is typical of a rapidly expanding economy,” pahayag ni Dominguez.

Ang nalalabi, aniya, ay dahil sa pagsipa ng presyo ng mahahalagang  imported commodities, partikular ang langis, sa realignment ng currency exchange rates at ng pagtaas ng domestic demand.

Ayon sa Finance chief, ang inflationary impact ng TRAIN ay inaasahang mababawasan sa mga susunod na buwan.

Sa first package ng  tax reform law ay binawasan ang personal income tax rates habang tinaasan naman ang excise taxes para sa mga produktong petrolyo at sasakyan, at nagpataw ng buwis sa matatamis na inumin.

Sa second package ay inihain nina Rep. Dakila Carlo Cua, ang committee chairman, Deputy Speaker Raneo Abu at Deputy Majority Leader Aurelio Gonzales Jr. ang HB 7458 na naglalayong babaan ang corporate income tax (CIT) at baguhin ang investment incentives system.

Sa naturang pagdinig ay ­hinimok ni Dominguez ang mga mambabatas na aprubahan ang Package 2 upang hindi mahinto ang pag-usad ng TRAIN.

“Revenue policies, after all, are not only about raising money to reduce deficits or meet our debt payments. More importantly, they are effective instruments for reducing poverty, investing in the future and fashioning a fairer society,” ani Dominguez.

Comments are closed.