PRINGLE KING NA (Mercado, Cruz, Ferrer sa NorthPort)

Stanley Pringle

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

4:30 p.m. – Rain or Shine vs NorthPort

7 p.m. – Meralco vs NLEX

DINALA ng NorthPort Batang Pier si Stanley Pringle sa Barangay Ginebra Kings sa isang four-player trade.

Ipinamigay ng Kings, ang defending Commissioner’s Cup champions, sina forward Jervy Cruz, guard Sol Mercado at wingman Kevin Ferrer kapalit ng high scoring NorthPort guard.

Ang trade ay aprubado ng PBA Commissioner’s Office.

Si Pringle, ang top pick overall sa 2014 Draft, ay may average na 19.5 points, 6.5 rebounds, 4.7 assists at 2.6 steals sa nakalipas na Philippine Cup.

Sa pagtatapos ng hu­ling conference, si Pringle ay sumailalim sa operasyon upang tanggalin ang bone spurs sa kanyang right ankle. Naglaro siya ng kabuuang dalawang games para sa NorthPort sa eliminations ng idinadaos na Commissioner’s Cup.

Si Mercado ay may average na 5.6 points, 3.2 rebounds at 3.4 assists para sa Kings sa limang laro ngayong conference, habang si Ferrer ay may norms na 3.6 points at 2.2 rebounds.

Ang trade ay nag-reunite din kina Ferrer at Cruz kay NorthPort coach Pido Jarencio, na gumabay sa kanila sa UAAP sa kanilang college days sa University of Santo Tomas.

Samantala, sisikapin ng NorthPort na makabalik sa ibabaw ng standings kasalo ang Talk ‘N Text sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Mall of Asia.

Haharapin ng Batang Pier ang Rain or Shine Elasto Painters sa alas-4:30 ng hapon, na susundan ng bakbakan ng Meralco at wala pang panalong NLEX sa alas-7 ng gabi.

Determinado ang Bolts na talunin ang Road Warriors at burahin ang dalawang sunod na kabiguan na naghulog sa tropa ni coach Norman Black sa kartada 3-4. CLYDE MARIANO

Comments are closed.