PRINGLE NANGUNGUNA PA RIN SA MVP RACE

Stanley Pringle

MALAKING hadlang si Stanley Pringle ng NorthPort  sa hangarin ni June Mar Fajardo  na makopo ang record fifth MVP award.

Si Pringle, ang 2015 Rookie of the Year awardee, ay nanatili sa ibabaw ng  stats race na may cumulative average na 35.5 points, habang pumapangalawa si  Fajardo na nakalikom ng 33.1 SPs sa pagtatapos ng 43rd season ng PBA.

Ang reigning four-time MVP winner ay nanguna sa MVP race  sa malaking bahagi ng season subalit nagtamo ng injury, dahi-lan para tatlong beses lamang siyang makapaglaro sa season-ending Governors’ Cup na nagbigay sa kanya ng 10.67 SPs lamang.

Naging limitado rin ang paglalaro ni Pringle na may walong games dahil sa kanyang partisipasyon sa Philippine Team subalit nagawang makakolekta ng 34 SPs – ang pinakamataas sa mga contender para sa most coveted award ng liga.

Nanatili sa ikatlong puwesto si Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra na may 32.3,  kasunod sina Sean Anthony  ng NorthPort na may 31.3 at Matthew Wright ng Phoenix na may 30.0.

Nasa kontensiyon din si Marcio Lassiter ng San Miguel (29.80), sumusunod sina teammates Arwind Santos (29.77) at Alex Cabagnot (29.74), Scottie Thompson ng Ginebra (29.6) at Paul Erram ng Black Water (28.5).

Nasa MVP race din si Paul Lee ng Magnolia sa pagwawagi ng Best Player of the Confe­rence award sa season-ending Gover-nor’s Cup.

Bagama’t nakabuntot  kay Pringle, si Fajardo ay nananati­ling solid contender para makopo ang kanyang  fifth MVP plum lalo’t nakuha niya ang Best Player of the Confe­rence awards sa Philippine Cup at sa Commissioner’s Cup.

Samantala, bumabandera pa rin si Phoenix Petroleum forward Jason Perkins sa Rookie of the Year award.

Nangunguna si Perkins na may 32.2 SPs, kasunod si fellow La Sallite Jeron Teng na may 18.7.

Comments are closed.