PRINGLE ‘OUT’ SA GOVERNORS’ CUP

Stanley Pringle

HINDI na makapaglalaro si Barangay Ginebra guard Stanley Pringle sa kabuuan ng PBA Governors’ Cup dahil sa injury.

Ayon kay Ginebra head coach Tim Cone, si Pringle ay sumailalim sa surgery kamakailan.

“Stanley had surgery performed last week on the meniscus of his left knee and will be out 3 months,” ani Cone.

“6 weeks of non-weight bearing therapy and 6 weeks of weight bearing therapy. That will put him out of the Governors’ Cup.”

Si Pringle ay huling naglaro para sa Barangay Ginebra sa kanilang conference debut noong nakaraang Disyembre 12 nang dispatsahin nila ang Alaska Aces.

Bago ang anunsiyo sa  pagsasailalim  sa National Capital Region sa Alert Level 3, ang Barangay Ginebra ay nakatakdang maglaro sa Enero 7 kontra  Blackwater Bossing.

Wala pang anunsiyo ang PBA sa susunod nitong hakbang kasunod ng bagong restrictions.