PRINGLE PBA BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

on the spot- pilipino mirror

MATINDI ang kampo ng Barangay Ginebra na humakot ng award sa kauna-unahang PBA virtual awards. Ang mga awardee ay naka-virtual  habang ang PBA Governors ay nasa studio ng TV5 sa Mandaluyong.

Nakuha ni Prince Caperal ang Rookie of the Year honors. Sportsmanship award naman ang nakopo ni  Scottie Thompson, habang kabilang sa  Elite 5 sina Japeth Aguilar at Stanley Pringle. At siyempre, kahit hindi ‘darling of the press’itong si Pringle ay siya pa rin ang nakapag-uwi ng Best Player of the Conference   award. Siya  ngayon ang hero sa court na dating hawak ni June Mar Fajardo ng San Miguel Beer.

Ang iba pang kasama sa Elite 5 ay sina Calvin Abueva at Mathew Wright ng Phoenix Super LPG Fuel Masters, at JP Erram ng TNT Tropang Giga. Congrats sa lahat ng nanalo.

vvv

Marami ang nagtataka kung bakit sa taas ng statistical points ni Bobby Ray Parks, Jr. ay hindi man lang ito nakapag-uwi ng  awards. Sa boto nga ng kapwa players niya ay apat lamang ang nakuha niyang boto, laglag siya sa media vote. Ano ang ibig sabihin nito?  Sariling opinion lang namin ito, baka naman kulang sa pakisama itong si Parks na apat na boto lang ang bomoto sa kanya, 2 ang sisters team ng MVP pero bakit ganoon lang ang nakuha niya Isip-isip…

vvv

Mukhang mananatili itong si Vic Manuel sa Alaska Aces. Matindi umano ang hinihingi ng Aces management na hindi kayang ibigay  ng NLEX Road Warriors. Gusto ni coach Yeng Guiao ang kalibre ni Manuel subalit ang hinihingi ng Alaska ay isang superstar at first round pick ng team.

Kumambyo naman si Manuel, na mahal naman niya ang kanyang mother team. Pero ang tanong dito ay hindi kaya magkaroon ng pangamba ang team na posibleng kapag manatili ang dating player ng PSBA ay maglaro pa kaya siya ng matindi para tulungan ang team? Sa kasalukuyan ay hinahanapan pa rin naman ng trade si ‘muscle man’. Good luck!

vvv

Nais ko lang i-share ang naranasan ko sa pag-inom ng isang food supplement, ang one opti juice na may 15 in 1 ang sangkap, pinagsamang gulay at prutas  ito na mula sa iba’t  ibang  bansa kinuha. Bukod tanging  ang malunggay ang galing sa Filipinas. Ilang buwan minanas ang dalawa kong paa na ikinabahala ko at ng aking pamilya dahil baka mataas na ang aking creatinine or may kidney failure na ako. Sa awa at tulong ng Panginoong Diyos kinasangkapan niya ang ONE OPTI JUICE at ang isang produkto nila na Miracle oil, gumaling ang mga paa ko. Nawala ang pagmamanas nito.

Sa mga kababayan ko po na makakabasa nito, subukan ninyo pong gumamit ng one opti juice na makatutulong sa inyong mga karamdaman. Kahit anong klaseng sakit na mayroon kayo ay kaya kayong tulungan ng one opti juice, lifestyle international. Panlaban din po ito sa COVID-19, ang kalaban nating hindi nakikita kaya dapat palakasin natin ang ating immune system  para iwas sa sakit. Please contact 09277219276.

Comments are closed.