AMINADO si Senador Christopher Bong Go na talagang mahirap resolbahin ang problema sa trapiko sa Metro Manila.
Kaugnay nito, sinabi ni Go na isa sa mga nakikita niyang solusyon ay ang paglikha ng bagong siyudad sa labas ng Metro Manila na magbibigay ng mga oportunidad sa mga Filipino.
Hinikayat din ni Go ang mga kapwa probinsiyano na umuwi na lamang ng lalawigan kung maliit lang din naman ang suweldo sa Metro Manila.
Iginiit pa nito, mas presko pa ang hangin sa probinsiya hindi tulad sa Metro Manila na dikit-dikit na ang mga bahay at madalas pang magkasunog.
Samantala, hindi na pabor si Go sa pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para maresolba ang trapiko dahil hindi na kaya ng nalalabing panahon ng termino nito na maresolba ang problema.
Dagdag pa nito, kung noon pa sanang July 2016 naibigay ang emergency power sa Pangulo, posibleng may sapat pa itong panahon para maresolba ang problema.
Ito ay sa kabila ng wala naman talagang ipinangako ang Pangulo kahit noong kampanya na kaya niyang resolbahin ang problema sa trapiko sa bansa. VICKY CERVALES
Comments are closed.