BUMABA ang producer price index (PPI) para sa manufacturing noong Setyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa report na inilabas noong Martes, sinabi ng PSA na ang PPI para sa manufacturing ay bumaba ng 0.2 percent noong Setyembte mula sa 7.7 percent sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Month-on-month, ang PPI para sa manufacturing ay bumaba rin ng 0.03 percent mula sa 0.4 percent growth na naitala noong Agosto ng nakaraang taon.
“The decline in the annual growth rate of PPI in September 2023 was primarily attributed by the deceleration in the annual rate of manufacture of computer, electronic and optical products industry division at 0.02 percent in September 2023 from 2.8 percent in August 2023,” ayon sa PSA.
Ayon sa PSA, ang manufacture ng computer, electronic at optical products ay nag-ambag ng 58.4 percent sa annual decline ng PPI para sa manufacturing sa naturang buwan.
Ang iba pang contributors sa pagbaba sa annual growth ng PPI ay ang manufacture ng food products, na bumaba sa 2.1 percent mula 2.7 percent sa naunang buwan, at ang pinakamabilis na annual drop ng manufacture ng coke (solid fuel) at refined petroleum products sa 6.5 percent mula 5.6 percent annual decline noong August 2023.
“The monthly decrement of PPI in September 2023 was mainly contributed by the monthly decline recorded in manufacture of computer, electronic and optical products at 0.04 percent during the period from a 1.4 percent monthly increase in August 2023,” ayon pa sa PSA.
Ang iba pang contributors sa pagbaba ay ang manufacture ng food products na may monthly drop na 0.5 percent at ang manufacture ng coke at refined petroleum products na may mas mabagal na monthly growth rate na 0.2 percent.
Ang PPI ay nakukuha mula sa resulta ng Producer Price Survey, na isinasagawa sa buong bansa.