PATULOY sa pagbaba ang producer price index (PPI) para sa manufacturing noong Abril, subalit mas mabagal kumpara sa naitala noong Marso.
Sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang PPI para sa manufacturing ay bumaba ng 0.8 percent noong Abril, bahagyang
mas mababa kumpara sa 1.1 percent decrease na naitala noong Marso. Noong Abril ng nakaraang taon, ang PPI ay bumaba ng 2.5 percent.
“The slower negative annual growth rate of PPI in April 2024 compared to the annual growth in March 2024 was primarily due to the faster increase in the annual growth rate of manufacture of computer, electronic and optical products industry division at 3.9 percent in April 2024 from 1.7 percent increase in March 2024,” sabi ng PSA.
Ayon sa PSA, ang iba pang contributors sa mas mabagal na annual decrease ng PPI ay ang pagbilis annual rate ng manufacture of transport equipment sa 1.4 percent mula 0.7 percent annual increase sa naunang buwan, at ang mas mabagal na pagbaba sa annual rate ng manufacture of basic metals sa 2.7 percent noong Abril 2024 mula 3.1 percent decline noong Marso.
Month-on-month, ang PPI para sa manufacturing ay tumaas ng 0.4 percent noong Abril mula 0.2 percent increment noong Marso 2024.
Nagtala rin ang PPI ng 0.1 percent monthly increase noong April 2023.
Ang top contributor sa pagtaas sa monthly rate ng PPI noong April 2024 ay ang manufacture of computer, electronic and optical products na may monthly increase na 2 percent mula 0.7 percent sa naunang buwan.
Ang PPI ay nalilikom mula sa resulta ng Producer Price Survey, na isinagawa sa buong bansa.
“It measures the average change over time in the prices of products or commodities produced by domestic manufacturers and sold at factory gate prices to wholesalers and/or other consumers in the domestic market,” ayon sa PSA.
(PNA)